"We therefore take this opportunity to forcefully reiterate our stand that DNA testing is a valid means of determining paternity," ayon sa 3rd division ng Korte Suprema.
Itoy kaugnay ng nakatakda ngayong DNA testing na isasagawa ng Cebu City Regional Trial Court kay Philippine Benevolent Missionary Association grand master Ruben Ecleo Jr. at tatlong umanoy anak nito.
Nabatid na naunang tumanggi si Ecleo na magpasailalim sa naturang pagsusuri dahil sa nilalabag umano nito ang kanyang mga "constitutional rights". Itoy matapos na humingi ng suportang pinansiyal ang mga kaanak ng kanyang tatlong anak matapos na maakusahan ito na pinaslang ang sariling asawa.
Sinabi naman ni Justice Renato Corona na walang nilalabag na karapatan ang pagkuha ng DNA sample buhat sa isang indibidwal.
"The right against self-incrimination is simply against the legal process of extracting from the lips of the accused an admission of guilt. It does not apply where the evidence sought to be excluded is not an incrimination but as a part of object evidence," paliwanag ni Corona.
Bukod sa relasyon ng isang ama sa anak, matutulungan rin ng DNA testing ang pagkilala kung magkarelasyon ang isang indibidwal sa isang kaanak na maaaring nawala ng matagal na panahon o kaya naman ay sinadyang itago. (Danilo Garcia)