^

Bansa

Iggy habol ng BIR

-
Pinagpapaliwanag ng Bureau of Internal Revenue (BIR) si Negros Occidental Rep. Iggy Arroyo dahil sa umano’y hindi tamang pagbabayad ng buwis ng pitong taon.

Ayon sa BIR, si Rep. Iggy ay may kabuuang asset and liabilities na P286 milyon at inako pa ang bank asset ni Jose Pidal na naglalaman ng P40 milyon, bukod pa sa dalawang gusali sa San Francisco, USA.

Alinsunod sa batas, sinabi ng BIR na ang may kalahating milyong asset ay may katumbas na 32% na buwis o P160,000.

Lumalabas na dapat ay may mahigit P140 milyon ang babayaran ni Iggy sa pamahalaan, subalit lumilitaw na wala pang P15,000 kada taon ang naibabayad sa buwis ng naturang kongresista mula taong 1998.

Binigyang-diin ni BIR Commissioner Guillermo Parayno na kahit kapamilya pa ni Pangulong Arroyo ay hindi nila sasantuhin at pagbabayarin ng batas kung mapapatunayang nandadaya. (Ulat ni Angie dela Cruz)

ALINSUNOD

ANGIE

AYON

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

COMMISSIONER GUILLERMO PARAYNO

IGGY

IGGY ARROYO

JOSE PIDAL

NEGROS OCCIDENTAL REP

PANGULONG ARROYO

SAN FRANCISCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with