^

Bansa

Hulihin n'yo na lang ako -- Abat

-
Inisnab lamang ni ret. General Fortunato Abat ang "no permit no rally policy" na ipaiiral ng pamahalaan sa panahon ng kilos protestang ikakasa ng kanilang grupo bukas.

Sa isang press conference kahapon sa Sulu Hotel, Quezon City, nagbanta si Abat na hulihin na lamang siya ng mga pulis dahil wala nang makakapigil sa kanilang paglulunsad ng malawakang kilos-protesta sa nabanggit na araw.

Binigyang diin ni Abat, bagaman hindi pa niya natatanggap ang sinasabing ‘subpoena’ na ibinigay sa kanya ng National Bureau of Investigation (NBI) hinggil sa kasong inciting to sedition, hindi siya natatakot na magpaaresto.

"It’s now or never, May permit o wala, tuloy ang aming protesta," anang retiradong heneral.

Itinanggi ni Abat na nasa likod ng gagawin nilang pagkilos si dating Pangulong Ramos.

Sinabi nito na walang kinalaman sa mga ginagawa niyang aksiyon ngayon ang dating Pangulo ng bansa.

Hindi rin umano totoong pinopondohan siya nito. Ang buong katotohanan, sabi pa ni Abat, ay taumbayan na ang ayaw sa pamamalakad ni Pangulong Arroyo. (Ulat ni Angie dela Cruz)

ABAT

ANGIE

BINIGYANG

CRUZ

GENERAL FORTUNATO ABAT

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PANGULONG ARROYO

PANGULONG RAMOS

QUEZON CITY

SULU HOTEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with