^

Bansa

Bunye nag-sorry sa oposisyon

-
Humingi ng paumanhin sa oposisyon si Press Secretary at Presidential Spokesman Ignacio Bunye dahil sa mga nauna nitong pahayag sa media na bahagi ng destabilisasyon laban sa gobyerno ang audio tape na ipapakalat ng oposisyon.

Natuloy na rin kahapon ang imbestigasyon sa kontrobersiyal na isyu ng wiretapping kung saan humarap sa pagdinig ng limang komite sa Mababang kapulungan ng Kongreso si Bunye.

"I apologize if they (opposition) felt alluded for my remarks," ani Bunye.

Humingi rin ito ng paumanhin sa mga "ladies of opposition" dahil sa pagsasabing isang desperadong hakbang ng oposisyon ang paggamit ng kontrobersiyal na tape para magulo ang gobyerno.

Inamin din nito na hindi siya sigurado kung si Pangulong Arroyo ang boses ng babae sa tape pero sinabi nito na sigurado siyang si Arroyo ang nanalo noong 2004 presidential elections.

Pinatunayan anya ito ng nasa 100 foreign observers na bumisita sa bansa noong nakaraang halalan.

Nagkagulo naman sa labas ng session hall matapos hindi papasukin sa loob ng second gallery ang mga anti-Gloria na kinabibilangan nina Linggoy Alcuaz ng FPJ Volunteer Brigade, Rez Cortez at Atty. Bernie Luceres.

Pinigil din ang pamimigay ng CDs ng grupong Anakbayan, LFS at NUSP sa loob mismo ng session hall.

Humarap din sa komite si NBI Director Reynaldo Wycoco.

Nakatakdang ipagpatuloy ngayon ng komite ang pagdinig. (Ulat ni Malou Rongalerios)

BERNIE LUCERES

BUNYE

DIRECTOR REYNALDO WYCOCO

HUMINGI

LINGGOY ALCUAZ

MALOU RONGALERIOS

PANGULONG ARROYO

PRESIDENTIAL SPOKESMAN IGNACIO BUNYE

PRESS SECRETARY

REZ CORTEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with