Una ng ibinunyag ng DOJ ang pagkakasangkot sa jueteng ng ilang dating opisyal ng PNP sa pangunguna ni Gualberto. Ito ay batay na rin sa natanggap na impormasyon ng DOJ.
Si Gualberto ay nakatakda na sanang ipatawag ni Justice Sec. Raul Gonzalez upang humarap sa Task Force Against Jueteng nang bigla naman ipag-utos ng Malacañang na ilipat ang imbestigasyon nito sa Ombudsman. Nauna rito, nakatanggap ang DOJ ng impormasyon na itinuturo si Gualberto bilang jueteng financier sa Palawan at Nueva Ecija. (Grace dela Cruz)