Lalong naasar ang mga OFWs nang malamang hindi sila kabilang sa mga makakadaupang-palad ng Pangulo sa isang araw na pagbisita nito sa HK kaya dadaanin na lang nila sa pag-iingay.
Pangungunahan ng United Filipino in Hong Kong, isang alyansa ng mga organisasyong migrante, ang protesta at susubukan nilang ikompronta ang Pangulo hinggil sa mga kontrobersiyang kinasasangkutan nito sa umanoy dayaan ng May 2004 presidential elections at ang pagkakadawit ng kanyang pamilya sa jueteng scandal.
"What fears does she have with the Filipino community here? What does she have to hide from us," ani Solores Balladeras, secretary-general ng nasabing grupo.
Nakatakdang makipagkita ang Pangulo sa mga business leaders at Hong Kong officials sa pagpupumilit nito na makakuha ng investment para sa bansa. (Ellen Fernando/AP)