^

Bansa

‘Unahin si Doble sa House probe’

-
Iminungkahi kahapon ng mga kongresista na unahing isalang si ISAFP agent T/Sgt. Vidal Doble sa isasagawang pagdinig sa wiretapped conversation ng Kamara.

Ayon kina Eastern Samar Rep. Marcelino Libanan at Leyte Rep. Eduardo Veloso, ang ginawang pagbubunyag ni Doble na binayaran ito ng P2 milyon ang magiging susi upang matukoy kung saan nanggaling ang dinuktor na umano’y taped conversation ni Pangulong Arroyo.

Ayon sa dalawang kongresista, ang ginawang salaysay ni Doble ang nagpapatunay na bahagi lamang ang jueteng at tapes sa plano ng oposisyon na sirain ang kredibilidad at pagtitiwala sa pamahalaan.

"Doble’s appearance must be prioritized by the probing committee since the alleged payoff was witnessed by Doble’s brother Reynaldo and Doble’s female companion Marietta Santos," pahayag ni Libanan.

Hinikayat naman ni Veloso ang limang komite na dapat magharap-harap sa pagdinig sina Doble, Ong at Laarni Enriquez, ang umano’y pinanggalingan ng P2-M na ibinayad sa kanya ni ex-NBI deputy director Samuel Ong, upang malaman kung sino sa kanila ang nagsasabi ng katotohanan.

Sinabi ni Veloso na isama sa pagdinig ang mga opisyal ng PNP upang sagutin ang mga alegasyon na pinilit nila si Doble na magbigay ng kanyang salaysay.

Naniniwala ito na ang pagdalo ni Doble sa pagdinig ang magbibigay katapusan sa mga isyung ibinabato laban sa Arroyo administration. (Ulat ni Malou Rongalerios)

AYON

DOBLE

EASTERN SAMAR REP

EDUARDO VELOSO

LAARNI ENRIQUEZ

LEYTE REP

MALOU RONGALERIOS

MARCELINO LIBANAN

MARIETTA SANTOS

PANGULONG ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with