Tarongoy pinalaya na?
June 18, 2005 | 12:00am
Matapos umanong magbayad ng $8-milyon ang kumpanyang pinaglilingkuran ng OFW na si Robert "Bobby" Tarongoy sa kanyang mga abductors kaya pinalaya na umano ito.
Ito ang impormasyong lumutang kahapon sa Department of Foreign Affairs ngunit hindi pa naman kinukumpirma ng mga opisyal ng DFA.
Sinasabing mula sa dating $12 milyong hinihingi na ransom ng mga bandidong Iraqi ay naibaba sa $8 milyon.
Sa nasabing halaga ay ang kumpanyang Arabia Trading and Construction Co. na pinagtatrabahuhan ni Tarongoy ang nagbayad umano ng $4 milyon habang ang natitira pang $4 milyon ay nagmula umano sa ibat ibang donasyon sa mga Muslim leaders at Filipino community sa Middle East.
Sa ngayon ay hawak na umano ng neutral party sa Iraq si Tarongoy at nakatakdang i-turnover sa embahada ng bansa sa Baghdad.
Si Tarongoy ay may pitong buwan ng bihag ng hindi pa kilalang grupo ng mga kidnapper sa Iraq. (Ulat ni Mer Layson)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest