Garcillano 'di palulusutin sa CA
June 15, 2005 | 12:00am
Iginiit kahapon ni Senate President Franklin Drilon kay Pangulong Arroyo na huwag na muling italaga bilang Commissioner si Virgilio Garcillano sa Commission on Elections (Comelec) dahil hindi rin lang ito makakapasa sa Commission on Appointments (CA).
Ayon kay Drilon, masyadong kontrobersyal si Garcillano nang tukuyin ito ng oposisyon bilang "Gary" na kausap umano ng Pangulo sa wire-tapped tape conversation na ebidensya ng dayaan noong nakaraang halalan.
Pinayuhan ni Drilon si Garcillano na ngayon ay hindi na napagkikita sa kanyang tanggapan na magbitiw na lamang sa puwesto dahil hindi na rin puwedeng i-withdraw ng Pangulo ang kanyang appointment.
Bagamat itinanggi ni Garcillano na siya ang Gary na nasa tape ay ilang foreign voice experts naman ang nagkumprima na boses niya ito at ng Pangulo.
Si Garcillano at Commissioner Manuel Barcelona ay pinaupo sa Comelec noong Feb. 10, 2004 bilang kapalit nina Commissioners Luzviminda Tancangco at Ralph Lantion. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest