^

Bansa

'No to People Power' - Susan

-
Hindi nakumbinsi ang kabiyak ng yumaong si Fernando Poe Jr. na si Susan Roces na suportahan ang anumang pag-aaklas o People Power na layong patalsikin sa puwesto si Pangulong Arroyo.

Sa panayam sa biyuda ni Da King matapos bisitahin ang self-confessed source ng wiretapped tapes na si dating NBI Deputy Dir. Atty Samuel Ong sa San Carlos Seminary sa Makati City, tahasang ibinasura ni Roces ang anumang planong destabilisasyon laban sa gobyernong Arroyo dahil patay na ang kanyang kandidato at wala naman siyang mahihita.

Napaiyak ang biyuda ni Da King nang humarap at makipag-usap ng halos limang oras kay Ong.

Bagaman walang nakuhang commitment si Ong kay Susan para suportahan ang panawagang isulong muli ang laban ni FPJ na umano’y nadaya sa halalan, nagbigay naman ng moral support ang aktres kay Ong at naniniwala siya sa ibinulgar nito.

Ani Susan, sa paglantad ni Ong ay unti-unti nang lumalabas ang katotohanan kaugnay sa May 2004 presidential elections.

Ang pagkilos ngayong araw ng mga militanteng grupo at tagasuporta ni dating Pangulong Joseph Estrada at FPJ ay inaasahang mauuwi sa People Power sa paggunita ng Independence Day.

Dahil dito kaya nakaalerto ang buong puwersa ng militar na pawang mga naka-full batlle gear, samantalang nagdatingan na rin kahapon ang mga pulis mula sa iba’t ibang lalawigan bilang pagsuporta sa anumang pagkilos para pabagsakin ang Arroyo administration.

Mananatili si Ong sa pangangalaga ng mga pari at madre sa San Carlos Seminary hangga’t hindi siya nasasampahan ng kaukulang kaso.

Sinabi naman ni Atty. Liwayway Vinzons Chato, pangunahing tatayong abogado ni Ong na walo silang magiging tagapagtanggol ni Ong.

Sinabi ni Chato na wala silang nakikitang sapat na basehan upang masampahan ng kasong ‘inciting to sedition’ ang kanilang kliyente at tanging accessory sa wiretapping lamang dahil hindi naman siya ang nagsagawa ng pag-wiretap.

Aniya, matapos nilang rebisahin ang mga inihayag ni Ong ay tanging panawagan lamang nito na magbitiw sa puwesto ang Pangulo at hindi para idestabilisa ang gobyerno.

"Kung kakasuhan si Ong ay dapat na ring kasuhan si Sec. Ignacio Bunye na humawak ng tape at si Senador Nene Pimentel na nanawagang magbitiw ang Pangulo," ani Chato.

Aniya, hindi nila hahayaang makulong ang kanilang kliyente kahit na isang minuto dahil aabangan na nila ang pagsasampa ng kaso hanggang sa paglabas ng warrant of arrest nito at kung kinakailangan ay sila na rin ang magbibigay ng kanyang piyansa para sa pansamantalang paglaya nito.

Sinabi naman ni Ong na mas nanganganib na ngayon ang kanyang buhay kasunod ng pagtatangka ng apat na katao kamakalawa ng gabi na siya ay ilikida habang nasa loob ng seminaryo.

Narekober sa compound ng seminary ang isang sasakyan na may plakang TSC-796 na naglalaman ng baby armalite at isang ID ng Delta Communications.

Kaugnay nito, sinabi ni Ong na ipinasa na niya ang hawak na master tape kay Bishop Ted Bacani. (Ulat nina Ellen Fernando at Lordeth Bonilla)

ANI SUSAN

ANIYA

ATTY SAMUEL ONG

BISHOP TED BACANI

CHATO

DA KING

ONG

PEOPLE POWER

SAN CARLOS SEMINARY

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with