^

Bansa

Testimonya ni Cam na di siya dumaan sa security check ng Kamara kinontra

-
Binira ng Sergeant-at-Arms ng Kamara de Representantes ang ginawang pahayag ni self-confessed jueteng baglady Sandra Cam na nakapasok siya sa gusali nang hindi dumaan sa anumang security check ng mga tagabantay.

Ayon kay retired Gen. Bayani Fabic, imposibleng hindi dumaan sa security check sa Kamara ang sinumang bisita, maging ang mga empleyado ng mismong institusyon dahil tinatanong lahat ang mga ito kung saan pupunta.

Ginawa ni Fabic ang pahayag makaraang sabihin ni Cam na nagtungo ito sa Kamara upang ibigay kina Negros Occidental Rep. Ignacio Arroyo at Pampanga Rep. Mikey Arroyo ang umano’y pera mula sa jueteng.

Inatasan na rin ni Fabic ang mga legislative security na rebisahin ang visitors’ logbook sa buwan ng Disyembre 2004, ang petsang sinabi ni Cam na nagtungo siya sa gusali ng Kamara.

Inilarawan ni Fabic ang proseso ng security check sa Kamara simula sa pagpasok sa main entrance kung saan dumadaan lahat upang ipaalam sa mga nagbabantay na PNP-Regional Security Force kung saan sila pupunta at sino ang bibisitahin. Matapos ito, muling sasailalim sa security check ng legislative security ang mga bisita bago ito makapunta sa mismong tanggapan ng sinumang kongresista at maging sa tanggapan ng secretariat. Aniya, ipinatutupad ng pinaigting na seguridad sa Kamara, partikular na kung may sesyon ang mga kongresista. (Ulat ni Malou Rongalerios)

BAYANI FABIC

FABIC

IGNACIO ARROYO

KAMARA

MALOU RONGALERIOS

MIKEY ARROYO

NEGROS OCCIDENTAL REP

PAMPANGA REP

REGIONAL SECURITY FORCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with