‘Pidal’ bubuhayin ni Ping

Bubuksan ni Sen. Panfilo Lacson ang Jose Pidal issue matapos na i-ugnay ng jueteng witness na si Sandra Cam ang kinalaman ni C/Supt. Restituto Mosqueda na siyang nagsertipika sa pirma nito. Si Mosqueda ang director ng PNP-Crime Lab at nagbigay ng sertipikasyon na ang Jose Pidal ay si Iggy at hindi ang Unang Ginoo na siyang itinuturo naman ni Lacson. Hindi natapos ang imbestigasyon ng blue ribbon committee sa Pidal issue matapos na igiit ni Iggy ang kanyang "right to privacy’. (Ulat ni Rudy Andal)

Show comments