Pagbubukas ng klase gawing Setyembre
June 7, 2005 | 12:00am
Hiniling kahapon ni Senate President Franklin Drilon kay Education Secretary Butch Abad na pag-aralang muli na baguhin ang pagbubukas ng klase mula Hunyo sa Setyembre.
Sinabi ni Sen. Drilon, ang pag-urong ng pagbubukas ng klase sa Setyembre ay puwedeng isakatuparan sa susunod na taon kaya dapat ay pag-aralan na ito ng Department of Education (DepEd).
Sa ilalim ng senate bill 1441, sinabi ni Drilon na dapat bigyang pansin ng DepEd na maulan ang pasukan kapag Hunyo bukod sa karaniwan na itong panahon ng bagyo na nagdudulot ng pagkaparalisa ng klase sa bansa.
Samantala, siniguro naman ni Caloocan City Mayor Recom Echeverri na magkakaroon ng sapat na pasilidad ang mga paaralan matapos ipamahagi ng pamahalaang lungsod ang may 5,000 arm chair at school desks.
Sinabi ni Echeverri, panimula lamang ang 5,000 arm chair at desks na ito na ipamamahagi sa 85 pampublikong paaralan sa lungsod kung saan ay 59 ang elementary at 26 naman ang high school.
Bukod dito, naglaan din ng P100,000 ang city government para sa pagsasaayos ng mga school buildings.
Namahagi din ng 150,000 na school bags at supplies si Mayor Echeverri sa mga elementary student ng lungsod. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended