^

Bansa

Bantang transport strike, inisnab ng LTFRB

-
Inisnab lamang ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) ang banta ng FEJODAP at PCDO-ACTO na maglulunsad sila ng malawakang transport holiday sakaling mas mababa sa P2 ang ipatutupad na taas-pasahe sa mga pampasaherong dyip.

Sinabi ni LTFRB officer-in-charge Felix Racadio, wala silang magagawa sa nakaambang tigil pasada dahil ipinatutupad lamang nila ang mga hakbanging alinsunod sa batas.

Karapatan anya ng bawat grupo na maihayag ang kanilang saloobin sa anumang isyu kaya’t hindi nila ito pipigilan.

Binigyang diin ng transport groups, sobrang hirap na ang buhay ng mga maliliit na driver mula sa mataas na bilihin at serbisyo kaya ang P2 naaprubahang taas pasahe lamang ang sagot sa kanilang kahirapan.

Naudlot ang pagpapatupad ng P2 taas-pasahe sa dyip at ordinary bus nang magsampa ng petisyon ang mga oppositors dito.

Sa susunod na linggo pa maipapalabas ng LTFRB ang desisyon sa petisyon.

Ikinatwiran ng mga oppositors na di maaaring maipatupad ang taas sa pasahe sa dyip at ordinary bus dahil walang public hearing, walang basehan at mayroong ibang lugar na wala namang nagsampa ng fare increase petition. (Ulat ni Angie dela Cruz)

vuukle comment

ANGIE

BINIGYANG

CRUZ

FELIX RACADIO

IKINATWIRAN

INISNAB

KARAPATAN

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING REGULATORY BOARD

NAUDLOT

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with