E-VAT pirmado na

Ganap nang naisabatas kahapon ang 10% Expanded Value Added Tax (E-VAT) Law matapos lagdaan ni Pangulong Arroyo bago magsimula ang pagpupulong ng Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC) sa Palasyo.

Alas-10 ng umaga ng pormal na isagawa ang simpleng signing ceremony na sinaksihan ng mga senador, kongresista, BIR officials at miyembro ng Gabinete ng Pangulo.

Hindi naman sumipot ang mga author ng VAT bill na sina Sen. Ralph Recto at Rep. Jesli Lapuz.

Nakapaloob sa batas ang pagbibigay ng stand-by authority sa Pangulo na taasan ng hanggang 12% ang VAT sa taong 2006.

Inaasahang makakalikom ang gobyerno ng P80B-P100B buwis na maidadagdag sa kaban ng bayan. (Ulat ni Ellen Fernando)

Show comments