^

Bansa

Listahan ng schools na mahina sa pag-produce ng graduates ilabas - Recto

-
Pinalalantad ni Senador Ralph Recto sa Commission on Higher Education (CHED) ang pangalan ng mga eskuwelahang may pinakamababang bilang ng mga graduates na pumasa sa mga nakalipas na professional licensing exams.

Ayon kay Recto, tinatawagan niya ng pansin ang CHED para ilabas ang listahan ng mga paaralang sinasabing ‘mahina’ pagdating sa mga napo-produce na graduates.

Ito ay upang malaman ng taumbayan kung anu-anong eskuwelahan ba talaga ang dapat pasukan ng mga estudyanteng may kanya-kanyang pangarap sa buhay.

Napapansin ni Recto na karamihan sa mga eskuwelahan ngayon ay nanghihikayat lamang sa ganda ng kanilang anunsiyo sa diyaryo at telebisyon, ngunit mahina naman pala pagdating sa tunay na itinuturo nilang akademya. Sa ilalim ng patakaran ng CHED, ang anumang eskuwelahan na ang passing rate ay mababa sa limang porsiyentong pumapasa sa licensure exams, dapat ay hindi na sila tumanggap pa ng enrollees para sa naturang kurso. (Rudy Andal)

AYON

CHED

ESKUWELAHAN

HIGHER EDUCATION

NAPAPANSIN

PINALALANTAD

RUDY ANDAL

SENADOR RALPH RECTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with