Erap binawalang mag-ikot sa resthouse
May 20, 2005 | 12:00am
Taliwas sa payo ni Dr. Christopher Mow kay dating Pangulong Joseph Estrada na maglibot sa kanyang resthouse upang mapraktis ang kanyang bionic knee, pinagbawalan kahapon ng Sandiganbayan Special Division ang dating pangulo na maikot ang kanyang buong resthouse sa Tanay, Rizal.
Ayon sa korte, isinuko na ni Estrada ang kanyang karapatan sa resthouse nang gawin niya itong kulungan kaya ang Sandiganbayan ang masusunod kung saan lamang ito maaaring pumunta.
Nauna rito, nilimitahan ng korte ang galaw ni Estrada sa kapilya at pavillion ng resthouse.
Ibinasura rin ang kahilingan ni Estrada na magtayo ng library sa loob ng resthouse. Malaking banta anya sa seguridad nito kung papayagan ang pagtatayo ng library dahil maglalabas-pasok sa resthouse ang mga gagawa nito. (Ulat ni Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest