Sa pagdinig ng House committee on good government, ikinuwento ni Galang ang pagbibigay ni Lapid ng 20,000 truckloads ng buhangin sa China Water Construction. Ang nasabing kompanya din aniya ang nakakuha ng kontrata sa P1.2 bilyon mega dike projects sa Pampanga na pinamamahalaan ng DPWH.
Sinabi ni Villanueva na isang govt project ang ginagawa kaya hindi dapat binibigyan ng unwarranted benefits ang isang pribadong kontraktor. Mismong si Lapid umano ang nag-utos para mabigyan ng libreng buhangin ang kontraktor.
Nag-ugat ang imbestigasyon ng komite kaugnay sa reklamo ni Pampanga Vice Gov. Yeng Guiao sa Kongreso na bumagsak ang koleksiyon ng kapitolyo sa quarrying operation simula nang hawakan ito ni Lapid. (Ulat ni Malou Rongalerios)