Banta ng obrero sa Palasyo: Mag-ingat sa heat stroke!
May 16, 2005 | 12:00am
Nagbabala kahapon ang militanteng grupong Kilusang Mayo Uno (KMU) na mag-ingat si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa heat stroke ng mga protesta at hindi na mapipigil ang init ng galit nang taumbayan dahil sa pinakahuli nitong pagtatanggol sa matataas na pasahod at iba pang insentibot pakinabang ng mga tagapangasiwa sa mga government-owned and controlled corporations. Itoy sa kabila ng pagkakadawit ng mga ito sa korapsyon tulad ni Rolando Golez na sinibak na dahil sa pagkakadawit sa anomalya sa Coconut Industry Investment Fund (CIIF).
"Ipokrita at doble-kara ang polisiya ng pagtitipid ng gobyerno," giit ni Elmer Labog, tagapangulo ng KMU.
Aniya, dapat na inuuna ng Palasyo ang pagsasanggalang sa taumbayan laban sa pabigat sa kabuhayan na epekto ng mga buwis at pagtaas sa presyo ng pangunahing serbisyo dulot nito. Binanggit ng lider-manggagawa ang matagal nang hinihinging P3,000 kada buwan umento sa sahod ng mga ordinaryong empleyado at P125 across-the-board, across-the-country naman ng mga manggagawa mula sa pribadong sektor.
Ipinagtanggol ni Pangulong Arroyo sa isang press conference ang pangangailangang panatilihin ang matataas na pasahod at benepisyo ng mga opisyal ng GOCC para umano manatili sila sa serbisyo sa gobyerno. Maaari umanong maakit ang mga ito sa mga pribadong korporasyon na nag-aalok ng kaiga-igayang mga pribilehiyo.
Ipinaliwanag naman ni Labog na ang mga manggagawa ang siyang tunay na nagtataguyod at lumilikha ng yaman ng bansa pero pinapatay sila sa gutom at kahirapan ng gobyernong ang matataas na opisyal ay nagpapakasasa sa yaman.
"Dapat ding unahin ng gobyerno ang pag-aasiste sa mga micro, small and medium-scale industries na nag-eempleyo ng 69.9% ng mga manggagawa at siyang bumubuo sa 99.6% ng mga rehistradong kompanya. Ang problema, pinapatay ang mga ito ng globalisasyon o ng malalaking multi-national companies at wala silang nakukuhang suporta galing sa gobyerno. Hindi totoong kapag itinaas ang sahod ay mamamatay o magsasara ang mga kompanyang ito. Ginagamit lamang silang dahilan ng mga malalaking kompanya," sabi pa ni Labog. (Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended