'National Coalition for Peace inilunsad ni GMA
May 15, 2005 | 12:00am
Umaksyon na rin ang Palasyo sa sunud-sunod na pamamaslang sa mga pulitiko at miyembro ng media sa pamamagitan ng itinatag na bagong "National Coalition for Peace" sa pakikipagtulungan ng ibat ibang ahensya ng pamahalaan, hudikatura at Kongreso upang labanan ang tumitinding karahasan sa bansa.
Sa isinagawang Anti-Crime conference sa Malacañang, nanawagan si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa mamamayang Pilipino na makiisa sa kanya na isulong ang kampanya upang mabuhay ang bawat isa ng payapa at maayos, ng walang karahasan sa lansangan, sa tahanan o sa telebisyon.
"There isnt one person in this room that condones the increasing reach of violence in our society," anang Pangulo. "Yet, we see it everywhere in the newspapers, on television and movies, and even in the lyrics the young often listen," dagdag pa nito.
Kumpiyansa naman ang Pangulo sa kanyang inilatag na inisyatiba upang labanan ang pagmamalupit o domestic violence sa mga kababaihan, criminal violence laban sa mamamayan hanggang sa planong pabagsakin ang pamahalaan.
Nais ng Pangulo na patingnan sa Kongreso ang pagsasabatas sa pag-kontrol ng mga armas at ang pagpapatibay ng mas mataas na parusa sa sinumang gagamit ng mga baril upang gumawa lamang ng krimen.
Kabilang sa mga dumalo sa kumperensya sina National Security Adviser Norberto Gonzales, Defense Sec. Avelino Cruz, Interior and Local Govt Sec. Angelo Reyes, Justice Sec. Raul Gonzales, Chief State Prosecutor Jovencito Zuño, Court Administrator Justice Presbitero Velasco, AFP Chief of Staff Gen. Efren Abu, PNP chief Dir. Gen. Arturo Lomibao, NBI Dir. Reynaldo Wycoco, BJMP Dir. Arturo Alit at mga opisyales at miyembro ng local government units. Mula sa Kongreso, kasama rin sina Sen. Alfredo Lim, Reps. Arthur Defensor, Amado Espino at Emilio Macias II. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended