^

Bansa

AFP may isang doktor kada 294 sundalo

-
Kadalasang namamatay na lamang ang mga nasusugatang sundalo sa bakbakan dahil na rin sa kakulangan ng doktor at suplay na gamot ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kung saan isang doktor lamang ang nakalaan para sa may 294 sundalo.

Ayon kay Negros Oriental Rep. Herminio Teves, nakakabahala ang nasabing ratio na lumabas sa isang artikulo sa Time Magazine.

Iniulat na ang pagkamatay ng isang opisyal ng Philippine Army ay dahil hindi agad ito nagamot matapos masugatan sa isang sagupaan sa Jolo, Sulu.

Sa naturang ulat na lumabas noong Mayo 9 na may titulong "Under the Gun", inihayag ng balo ni Lt. Col. Dennis Villanueva, 42, commander ng 53rd Infantry Battalion ng Philippine Army na namatay ang kanyang asawa sa isang engkuwentro nang maubusan ito ng dugo matapos na tamaan ng mortar shrapnel nang atakihin ng mga rebeldeng Muslim sa Jolo, Sulu noong Peb. 10.

Bukod kay Villanueva, maraming sundalo na nasusugatan sa labanan ang namamatay dahil sa walang sapat na suplay ng gamot at kagamitan.

Kaugnay nito, umapela si Teves sa Ombudsman na palakasin pa ang isinasagawa nitong lifestyle check sa mga heneral at iba pang matataas na opisyal ng AFP na lumulustay sa pondo ng militar. (Ulat ni Malou Rongalerios)

vuukle comment

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

DENNIS VILLANUEVA

HERMINIO TEVES

INFANTRY BATTALION

JOLO

MALOU RONGALERIOS

NEGROS ORIENTAL REP

PHILIPPINE ARMY

TIME MAGAZINE

UNDER THE GUN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with