Estudyante sa private nagsisilipat sa public
May 13, 2005 | 12:00am
Kinakapos na ng pondo ang Department of Education dahil umaabot na sa 300,000 estudyante ang lumilipat sa public school mula sa private elementary at high school dahil sa sobrang taas ng tuition fee.
Ayon kay DepEd Sec. Florencio Abad, dahil sa ginagawang exodus ng mga estudyante ay kinakailangan ng DepEd ng karagdagang pondo para sa pambayad sa karagdagang guro at textbooks.
Nitong nakaraang taon ay binigyan ang DepEd ng pondong P112 bilyon na walang ipinagbago ngayong darating na school year. Dahil dito humiling sila sa Department of Budget na dagdagan ng 6-8 porsyento ang pondo sa ahensya.
Ang karagdagang pondo ang gagamitin ng DepEd upang ipambayad sa kukunin nilang bagong 20,000 guro na kakulangan sa public school at pagpapagawa ng silid-aralan.
Ngayong darating na pasukan inaasahang mahigit sa 17 milyon mga estudyante ang dadagdag sa mga pampublikong eskwelahan. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended