^

Bansa

Dagdag pasahe, dagdag pasanin

-
Haharangin ng isang malaking transport group ang inaprubahang P2 dagdag pamasahe ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) dahil hindi anya ito ang totoong kalutasan ng problema sa sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Ayon kay George San Mateo, tagapagsalita ng PISTON, hindi sila nasisiyahan sa dagdag pasahe dahil dagdag pasakit na naman ito sa mamamayang Pilipino.

Ani San Mateo, ang totoong solusyon sa problema ng mga transport group ay ang pagbasura ng Oil Deregulation Law upang mapigil ang walang humpay na pagtaas ng presyo ng gasolina.

Binigyang diin din ni Elmer Labog ng Kilusang Mayo Uno (KMU) na hindi ang pagtaas sa singil sa pasahe ang sagot sa naging pagtaas ng halaga ng petroleum products kundi ang pag-rollback sa presyo ng produktong petrolyo at umento sa sahod ng mga manggagawa.

"Kaming mga manggagawa ay pasahero. Malaking bahagi ng aming sahod ay napupunta para sa pambayad-pasahe. Ang hindi mapigilan at patuloy na pagtaas ng pesyo ng langis ay malaking epekto sa pamumuhay ng maraming Pinoy kaysa inaasahan ng ating gobyerno," pahayag ni Teody Navea ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino.

Magsasagawa ang Piston ng transport summit sa Mayo 16 upang mapag-aralan ng mas malalim ang sitwasyon at bumuo ng hakbang para tutulan ang dagdag pasahe.

Tinuligsa din ni San Mateo ang ilang grupo ng transportasyon at mga kompanya ng langis dahil sa pakikipagsabwatan umano ng mga ito sa gobyerno upang maaprubahan ang fare hike.

Ayon sa grupo, siguradong mas marami na ang maglalakad na mamamayan at marami rin ang magaganap na protesta upang kondenahin ang patung-patong na pahirap ng gobyerno. (Ulat nina Edwin Balasa/Angie dela Cruz)

ANI SAN MATEO

AYON

EDWIN BALASA

ELMER LABOG

GEORGE SAN MATEO

KILUSANG MAYO UNO

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

MANGGAGAWANG PILIPINO

OIL DEREGULATION LAW

SAN MATEO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with