GMA, FG 'binaboy' sa Baywalk
May 8, 2005 | 12:00am
"Nananaginip ng gising, nakatulala sa hangin. Nagsusumidhing damdamin kahit halik lang ang akin...."
Ito ang pamosong bahagi ng kantang "Sinta" na pinasikat ng grupong Aegis na binago ang mga lyrics ng isang impersonator sa Blue Bay Grill sa Baywalk, Roxas boulevard upang bastusin sina Pangulong Arroyo at First Gentleman Mike Arroyo.
Pinagpipiyestahan at dinudumog ngayon ng mga tao ang gag show sa Blue Bay dahil sa kakaibang entertainment na ibinibigay nito sa mga tao at kamakalawa ng gabi ay naging tampok na palabas ang umanoy sex video nina "Ate Glo" at "FG" (na tumutukoy kina Pangulong Gloria Arroyo at First Gentleman Mike Arroyo).
Gamit ang binagong lyrics ng "Sinta" ay iminuwestra ng impersonator na nakilalang Edward ang sex video sa pamamagitan ng mga salitang "mamasa-masa" kung saan itinuturo ang private part ni "Ate Glo" habang tirik na tirik naman ang kay "FG".
Dahil dito, kinuwestiyon ng mga kostumer si Manila Mayor Lito Atienza kung bakit nito pinapayagang makapagpalabas ng malaswa at garapal na gag show sa mismong kahabaan ng Roxas boulevard na pasyalan ng publiko.
Binatikos din ang hayagang paggamit ng mga malalaswa at pangit na mga salita gaya ng "tsupa", "ulol", "f---you" na hindi nakapagbibigay ng magandang aral sa mga manonood.
Bukod dito, ang impersonator nina Sharon Cuneta at Ethel Booba ay madalas magmura na ginagamit na ad lib habang kumakanta ang isang kostumer.
Anila, sa kagustuhan na makahatak ng kostumer ay kung anu-anong gimik ang naisip ng may-ari ng Blue Bay Grill.
Bukod dito, matapos na makapag-show ay nagpapa-ikot pa ng sombrero ang mga impersonator upang "mangikil" ng pera sa mga kostumer.
Ang nasabing show ay ipinapalabas bandang 12:30 ng hatinggabi tuwing Martes at Biyernes.
Matatandaang nagpalabas na ng kautusan ang Malacañang na itigil ang panggagaya kay Pangulong Arroyo mula sa mga impersonator sa mga TV shows dahil tahasang pang-iinsulto at pambabastos ito sa Punong Ehekutibo. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest