Ang utos ni Gonzalez ay ipinalabas matapos na hindi siputin nina Osmeña Montanier, hepe ng Budget Division ng Department of Agriculture (DA) sa Region 12, at Estrella Sabay, regional accountant sa nasabi ring opisina, ang isinagawang preliminary investigation sa kaso.
Itinuturo ang dalawa ng isa sa apat na arestadong suspek sa kaso na umanoy nagbayad sa kanila ng P120,000 para patayin si Esperat.
Nangangamba ang pamilya Esperat sa kanilang kaligtasan dahil sa patuloy pa anilang nakakalaya ang mga suspek.
Binigyan naman ni State Prosecutor Nestor Lazaro sina Montanier at Sabay ng pagkakataong humarap sa susunod na pagdinig sa May 13.
Nagbabala ang piskal na kung mabibigo pang sumipot ang mga ito ay ilalabas na ang resolusyon sa kaso base sa hawak na ebidensiya ng DOJ. (Ulat ni Grace dela Cruz)