Re-assignment ng Mla. Fire officials hiling kay GMA
May 4, 2005 | 12:00am
Hiniling ni Eric Cochingyan, isang concerned citizen ng Chinese community sa Binondo, Maynila kay Pangulong Arroyo ang paglilipat ng puwesto ng tatlong opisyal ng Manila Fire Dept. dahil sa umanoy pag-iisyu ng maling Fire Safety Inspection Certificate (FSIC).
Ang mga ito ay sina Supt. Pablito Cordeta, Chief Insp. Wilfredo Balinas at SPO4 Edgardo Lezorte. Ang mga ito ay kinasuhan ng administrative case na Gross Neglect of Duty sa Internal Affairs Services ng Bureau of Fire Protection.
Ayon kay Cochingyan, hindi dapat nag-iisyu ng mga certificate ang mga nasabing fire official kung hindi naman sumailalim sa kanilang inspection.
Lumilitaw na idinedeklara umano ng mga naturang opisyal na may lagusan o sapat na fire exit ang isang gusali kahit hindi totoo. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 30, 2024 - 12:00am
November 30, 2024 - 12:00am
November 26, 2024 - 12:00am