^

Bansa

Pagbagsak ng Huey resulta ng P7-B anomalya ng Air Force

-
Hindi sana nangyari ang trahedya sa himpapawid tulad ng sinapit na kamatayan ni dating Phivolcs director Raymundo Punongbayan kung walang anomalyang naganap noong panahon ni dating Pangulong Fidel Ramos.

Ito ang halos paninising sinabi kahapon ni opposition Senate Minority Leader Aquilino Pimentel Jr. kasabay ng pahayag na ang sunud-sunod na pagbagsak ng mga Huey helicopters ay resulta ng maanomalyang P7 billion sa Philippine Air Force noong Ramos administration.

Ayon kay Sen. Pimentel, ang naturang pondo ay bahagi ng military modernization fund at nakalaan sana para sa pagbili ng mga bagong helicopters na may mga ‘advance safety features,’ gayundin sa pagbili ng mga piyesa ng sasakyang panghimpapawid ngunit sa hindi malamang dahilan ay nawala na lamang ito na parang bula.

Dahil sa naturang anomalya, sinabi ni Pimentel na hindi lamang humina ang lakas at puwersa ng hukbong sandatahan, kundi nalagay din sa panganib ang buhay ng nakakarami.

Hiniling ni Pimentel sa Budget department at Bureau of Treasury na muling imbestigahan ang naturang scam upang mapanagot kung sinu-sino ang nakinabang sa naturang halaga. (Ulat ni Rudy Andal)

vuukle comment

AYON

BUREAU OF TREASURY

DAHIL

HINILING

HUEY

PANGULONG FIDEL RAMOS

PHILIPPINE AIR FORCE

RAYMUNDO PUNONGBAYAN

RUDY ANDAL

SENATE MINORITY LEADER AQUILINO PIMENTEL JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with