^

Bansa

Pagbabawal sa sexy ads lusot na sa Kamara

-
Malapit ng matapos ang araw ng mga commercials na gumagamit ng mga artistang nagpapakita ng sobrang sensuwalidad at kaseksihan, ito’y matapos pumasa sa House Committee on Public Information ang panukalang batas na magbabawal sa mga seksing ads upang maprotektahan ang mga kabataan at masugpo ang pagsasamantala sa mga kababaihan.

Inamin ni Akbayan Rep. Ana Hontiveros-Baraquel na halos lahat ng miyembro ng komite ay pabor na maging isang ganap na batas ang panukala bagaman at may ilang non-government groups ang tumututol dito.

Posible aniyang mahirapan ang mga pulis na ipatupad ang panukala sa sandaling maging isang ganap na batas kung hindi malilinaw ang ilang ibig sabihin ng salitang "sexy".

Isa sa mahalagang probisyon ng panukala ay ang pagbabawal sa mga advertisement sa print, radio at television na nagpapakita ng sexual violence o gumagamit ng mga seksing babae.

Sinabi ni Atty. Faulino Cases ng MTRCB na mas makakabuting magkaroon ng total ban sa mga television advertisements o trailers na nagpapakita ng karahasan at kalaswaan.

Nangako naman si Atty. Jularbal ng Adboard na susuportahan nila ang panukala. (Ulat ni Malou Rongalerios)

ADBOARD

AKBAYAN REP

ANA HONTIVEROS-BARAQUEL

FAULINO CASES

HOUSE COMMITTEE

INAMIN

ISA

MALOU RONGALERIOS

PUBLIC INFORMATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with