Ayon kina Reps. Ernesto "Banzai" Nieva at Isidoro Real, makukuha naman sa pakiusap at negosasyon ng mga opisyal sa Department of Energy ang mga kumpanya ng langis upang mahikayat na maghinay-hinay ang mga ito sa pagtaas sa kanilang presyo.
Hiniling din ng mga kongresista sa DOE na madaliin ang ginagawang pagrebisa sa Oil Deregulation Law at sa Oil Contingency Plan.
Naniniwala ang dalawa na dapat nang magsagawa ang DOE ng mga hakbangin upang maiwasan ang pagkakaroon ng krisis sa enerhiya.
Kabilang sa pagbabago sa Oil Contingency Plan ng DOE ang regular na pakikipag-usap sa mga oil firm upang mahikayat na huwag nang magtaas pa ng presyo ng produktong petrolyo. (Ulat ni Malou Rongalerios)