Velasco balik NPO
April 19, 2005 | 12:00am
Siniguro kahapon ni National Printing Office (NPO) officer-in-charge Ronald Velasco na magpapatupad siya ng mga reporma sa nasabing ahensiya matapos makabalik ito kahapon makaraang ibasura ng Ombudsman ang isinampang kaso laban sa kanya.
Muling iniluklok kahapon ni Press Secretary Ignacio Bunye si Velasco bilang pinuno ng NPO matapos mapag-alamang ibinasura ni Deputy Ombudsman for Luzon Victor Fernandez ang isinampang simple misconduct charges ni Atty. Sylvia Babda na head ng NPO bidding committee.
Agad tinanggal ni Sec. Bunye ang suspensyon laban kay Velasco at muling pinabalik bilang pinuno ng NPO. Inakusahan si Velasco ng pagmamalabis sa tungkulin pero natuklasan ng Ombudsman na walang sapat na ebidensiya para sa akusasyong ito kaya agad dinismis ang kaso.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 18, 2024 - 12:00am