Inaprubahan na ng House committee on ways and means ang consolidated bill na naglalayong patawan ng 20 porsiyentong buwis ang liposuction, facelift, cosmetic surgery at iba pang lipo.
Bagaman at tutol sa panukala ang mga doktor na eksperto sa cosmetic surgery, nakita ng komite ang pangangailangan na patawan ang mga ito ng buwis upang makalikom ng pondo ang gobyerno.
Sa kasalukuyan, libre sa buwis ang breast augmentation jobs at liposuctions dahil sa isang batas na naglilibre sa mga doctor sa pagbabayad ng value added tax sa pagsasagawa ng mga nabanggit na procedures.
Papatawan din ng 20% buwis ang mga non-essential goods at luxury items na ibabase sa manufacturers selling price o halaga ng importasyon. (Ulat ni Malou Rongalerios)