^

Bansa

38 Pinoy na inaresto sa Pakistan, makakauwi na

-
Matapos na masabat, maaresto at makulong dahil sa illegal na pangingisda sa karagatan ng Pakistan, inihayag kahapon ng Department of Foreign Affairs (DFA) na inaasahang makakauwi na ngayong linggo ang 38 Filipino fishermen sa bansa.

Kinumpirma ito ni Foreign Affairs Sec. Alberto Romulo matapos na magpadala ng report ang mga kinatawan ng Embahada ng Pilipinas sa Pakistan na sina Jorge Arizabal, Agnes Cervantes at Jose Villoria na siyang naatasang magsaayos nang pagpapabalik ng mga mangingisda.

Ayon kay Romulo, isinasaayos ang mga requirements para makalabas ng Landi District Jail sa Malir Karachi, Pakistan ang 38 mangingisdang Pinoy.

Nabatid na tutustusan ng gobyerno ng halagang $20,437.16 ang repatriation expenses ng mga Pinoy kabilang na ang kanilang plane tickets.

Tutulungan din ng DFA na makuha ang unpaid salaries ng mga mangingisda na umaabot sa siyam na buwan mula sa kanilang Singaporean based Beverly Manning Agency. (Mer Layson)

AGNES CERVANTES

ALBERTO ROMULO

BEVERLY MANNING AGENCY

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

FOREIGN AFFAIRS SEC

JORGE ARIZABAL

JOSE VILLORIA

LANDI DISTRICT JAIL

MALIR KARACHI

MER LAYSON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with