^

Bansa

Sindikato sa emission testing centers, ibinulgar

-
Mariing kinondena kahapon ng grupo ng mga environmentalists ang ilang sindikato ng emission testing centers na nag-ooperate sa Metro Manila na responsable sa pandudoktor ng mga bagsak na resulta ng emission test para maipasa at maiparehistro ang mga sasakyan sa Land Transportation Office (LTO) kapalit umano ng malaking halaga.

Anila, ilan sa sangkot sa sindikato ay kasapi umano ng Private Emission Testing Center Owner’s Association (PETCOA).

Binulgar ng mga environmentalists na may malakas umanong koneksiyon sa ilang tiwaling opisyal ng LTO, DENR at DOTC ang ilang opisyal ng PETCOA kaya "untouchable" ang grupo ng sindikato.

Ilan sa mga binabanggit ng mga environmentalists ay ang Tower Emmission, Royjuls Emission at Achilles Emission na miyembro ng PETCOA.

Binunyag ng grupo na ilan sa mga emission testing centers na sangkot ay ilang ulit nang sinuspinde dahil sa umano’y talamak na katiwalian subalit patuloy na nag-ooperate dahil na rin sa pakikipagsabwatan umano ng ilang tiwaling opisyal at tauhan ng nabanggit na mga ahensya. (Ulat ni Ellen Fernando)

ACHILLES EMISSION

ANILA

BINULGAR

BINUNYAG

ELLEN FERNANDO

LAND TRANSPORTATION OFFICE

METRO MANILA

PRIVATE EMISSION TESTING CENTER OWNER

ROYJULS EMISSION

TOWER EMMISSION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with