Popularity rating ni PGMA apektado ng oil price hike
April 7, 2005 | 12:00am
Sa kangkungan na pupulutin ang popularity rating ni Pangulong Arroyo dahil patuloy na bumababa ang popularidad nito bunsod na rin ng walang humpay na pagtaas ng presyo ng gasolina sa bansa.
Ito ang sinabi kahapon ni George San Mateo, tagapagsalita ng Pinagkaisang Samahan ng Tsuper at Operators Nationwide (PISTON), kasabay ng pagsasabing kung hindi mapipigil ng Malakanyang ang patuloy na pagtaas ng gasoline ay lalo lamang malulugmok paibaba ang popularity rating ng Pangulong Arroyo.
"Hindi na aakyat iyan at tuluy-tuloy na ang pagsadsad. "Wala naman kasi silang ginawa kundi paboran ang multinasyonal na kompanya ng langis," ani San Mateo na nagsabing bukod sa Oil Price Hike, galit na rin ang taumbayan sa paggigipit ng Malakanyang na isulong ang dagdag sa 12 percent na Value Added Tax.
Samantala, sinabi kahapon ng Inventionhaus International Corporation, tagapagtaguyod ng Khaos Super Turbo Charge (KSTC), malaking tulong ang kanilang tipid-gas gadget kung patuloy lamang itong tatangkilikin ng pamahalaan at mamamayan.
Ayon kay Pablo "Mr. Khaos Planas, kung magiging seryoso lamang ang pamahalaan sa pag-endorso ng imbensiyon niyang KSTC, malaking tulong ito makatipid sa paggamit ng gasoline ang bawat motorista.
Mismong mga government officials, tulad nina Vice-President Noli de Castro, Senate President Franklin Drilon, DENR Sec. Mike Defensor, Congressmen Chiz Escudero, Way Kurat Zamora at Noynoy Aquino at dating Energy Sec. Vince Perez ay nagpatotoo na ang KSTC ni Planas ay nakapagbibigay ng 15-50 porsiyentong katipiran sa konsumo ng gasoline.
Base sa pag-aaral, kung ang dating P1,000 ikinakargang gasoline sa loob ng isang linggo sa bawat sasakyan, nagiging P500 o P850 na lamang ito ngayon. Ang ganitong pag-aaral ay pinatunayan mismo ng Automotive Research and Testing Center sa Taipe, Taiwan dahilan upang pagkaguluhan ito ngayon sa ibat ibang bansa.
Kamakailan ay naglabas na rin ang IIC ng KSTC para naman sa mga motorsiklo na tiyak na malaking kapakinabangan sa daang libong bilang ng mga tricycle drivers sa buong bansa. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended