GMA bina-blackmail ng NGO
April 5, 2005 | 12:00am
Sa panahon na gustong makatipid ng buong bansa, isang non-government organization naman ang tila bina-blackmail si Pangulong Arroyo upang likhain ng mabilis ang Socialized Housing Finance Corporation (SHFC) na duplication na lamang ng 25-year-old nang National Home Mortgage Finance Corporation (NHMFC) at ibig pa ipa-subsidize dito.
Ayon kay University of the Philippines Prof. Leonor Magtulis Briones, eksperto sa public Administration at Local and Regional Governance, nais ng National Congress of CMP Originators and Social Development Organizations for Low-Income Housing na masakote ang Community Mortgage Program (CMP) at Abot-Kaya Pabahay Program (AKPP), ang dalawang programang pabahay ng pamahalaan na parehong nasa ilalim ng pangangasiwa ng NHMFC. Lumalabas na ang nasabing NGO na binubuo ng ilan sa mga nangungutang sa NHMFC ay gustong sila ang magpapautang sa sarili nila gamit ang pondo ng NHMFC.
Sinabi ni Briones na wala namang diperensiya ang NHMFC bakit kailangang ayusin. Ayon sa records, noong 2004 ay kumita ang NHMFC ng P1.04 bilyon, samantalang mahigit sa P691 milyon naman ang naipautang para sa pabahay ng mahigit sa 160,000 pamilya.
Sa panahon na ang policy ng pamahalaan ay paliitin ang burukrasya dahil sa kakulangan ng pondo, ang gusto ng nasabing NGO ay lubhang makasasakit sa pambansang pananalapi dahil na rin sa imbes na isa lamang ang ginagastusan ng pondo ay magiging dalawa sa planong paglikha sa SHFC, pahayag ni Briones.
Dahil sa kagustuhan din ng National Congress of CMP Originators na establisa ang SHC, isang NGO na binubuo ng minority ng pangkalahatan ng CMP originators, mapipilitan ang pamahalaan na pagretiruhin ang mga empleyado ng NHMFC na dagdag na namang milyun-milyong gastos sa naghihirap nang pamahalaan dahil sa naghihikahos na pambansang ekonomiya. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest