PriceSmart execs pinasasagot sa P38.59M kasong estafa
April 4, 2005 | 12:00am
Inutusan ng Rizal Provincial Prosecutor ang limang opisyales na inilagay ng PriceSmart sa subsidiary nito, ang PSMT Philippines, na sagutin ang mga kasong estafa na kinapapalooban ng P38.59 milyon na isinampa laban sa kanila ng minority shareholders ng PSMT.
Ang halaga ay binubuo ng P30.15 milyong ilegal na stewardship fees na ibinayad sa PriceSmart noong 2003 at P8.44 milyon na hindi awtorisadong pagpapalabas ng pondo ng PSMT noong nakaraang taon.
Pinadalhan ng subpoena sina Benjamin Woods, presidente ng PSMT; Zeus Aboy, controller; Robert Gans, vice president; John Heffner, treasurer at James Cahill, director at dating treasurer ng kumpanya.
Sa kanyang subpoena, inutusan ni Asst. Prov. Prosecutor Rodolfo B. Santos ang mga akusado na magtungo nang personal sa kanyang opisina sa Abril 22 at magsumite ng kanilang counter-affidavit bilang sagot sa bintang na ilegal na inilipat nila ang milyun-milyong pondo ng PSMT sa PriceSmart sa San Diego, California.
Si Go at E-Class Corp. ang may-ari ng P38 porsyento ng PSMT, samantalang hawak naman ng PriceSmart ang 52% at ang nalalabing 10% ay nasa kamay ng First Metro Investment Corp. Nangyari ang sinasabing pagkaubos sa pondo ng PSMT noong 2003 at 2004.
Sa kanilang reklamo, sinabi nina Go at E-Class na ang audit ng Punongbayan and Arau llo ay nakadiskubre ng mga ilegal na ibinayad sa PriceSmart na hindi sakop ng anumang kasunduan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended