Ito ang nadiskubre ni Sen. Rodolfo Biazon, senate committee chairman on national defense and security, matapos na hindi masampahan ng kaso ang may-ari ng $32M halaga ng ketamine hydrochloride nitong nakaraang Linggo.
Ang naturang droga ay ginagamit bilang anesthesia ng mga beterinaryo ay nakumpiska sa isang hotel sa Malate, Manila.
Tinatawag itong "K", Vitamin K or Special K at ginagamit naman ng mga kabataan sa kanilang sesyon na kilala sa tawag na "club drug", "rapedrug" at "God" dahil sa ilalim daw ng impluwensiya nito ay nakikita ang Panginoon.
Ayon kay Biazon, ang naturang droga ay wala sa talaan ng Dangerous Drug Board (DDB) na ipinagbabawal sa bansa kayat hindi nasampahan ng kaso ang may-ari nito.
Inihayag ng mambabatas ang Senate Bill 1962, na nagrerekomenda sa DDB na magtanggal o magdagdag ng mga droga sa talaan ng ipinagbabawal at hindi bawal. (Ulat ni Rudy Andal)