Sa 7-pahinang resolution ng SC sa panulat ni Associate Justice Leonardo Quisumbing, sinabi nito na walang merito at bagong argumento sa isinumiteng motion ni De Castro.
Bunga nito, hindi maaaring baliktarin ng SC ang nauna nitong desisyon na ipinalabas noong January 18, kung saan sinabi nito na mayroong merito ang isinumiteng election protest ni Legarda.
Kasabay nito, hindi naman pinagbigyan ng SC ang kahilingan ni Legarda na magsagawa ng hiwalay na occular inspection sa mga balota dahil ito aniya ay matagal ng ginawa ng Kongreso at Commission on Election (Comelec) para mapanatili ang sanctity ng mga naturang balota.
Inatasan din ng SC ang Comelec na magsumite sa loob ng 30-araw ng opisyal na resulta ng proyekto nito.
Magugunita na nagsumite ng election protest si Legarda laban kay De Castro matapos ang naganap na May 2004 presidential election, dahil sa umanoy ginawang pandaraya nito at ni Pangulong Arroyo.
Una na ring ibinasura ng SC ang election protest ni Susan Roces, maybahay ng nasawing presidential candidate na si Fernando Poe Jr., dahil sa hindi pagiging legal na partido nito para isulong ang nasabing protesta laban kay GMA. (Ulat ni Grace Dela Cruz)