Nagsampa ng mga demandang sibil at criminal ang kasosyo (34 porsyento) ng PriceSmart sa Guatemala dahil umano sa mga ilegal na paniningil ng kumpanyang Amerikano ng kung anu-anong bayarin na wala sa kontrata.
Hinirang ng mga hukuman ang isang empleyado ng minority shareholder upang maging receiver ng PriceSmart Guatemala at binigyan ito ng kapangyarihan na salain ang lahat ng pagbabayad ng kumpanya, kasama na ang mga sinisingil ng PriceSmart USA. Kaagad namang sinabihan ng receiver ang PriceSmart na maaaring maghintay ito ng matagal bago bayaran ang mga sinisingil nito.
Ang nangyari sa Guatemala ay nagpalakas naman ng loob sa mga Pilipinong minority stockholders sa PSMT Philippines, ang local subsidiary ng PriceSmart na nakabase sa San Diego, California, upang sipain ang management na inilagay ng kumpanya sa PSMT na pinangungunahan ni Benjamin Woods bilang presidente.