^

Bansa

PriceSmart sumaklolo sa paluging PSMT

-
Napilitang saklolohan ng PriceSmart na nakabase sa Estados Unidos ang subsidiary nito sa Pilipinas, ang PSMT Philippines, sa pamamagitan ng pag-ako sa P572-milyong utang nito sa International Finance Corp. (IFC) dahil sa patuloy na paghina ng kakayahang pinansiyal ng PSMT.

Ang ginawang ito ng PriceSmart ay lalong nagpatibay sa hangarin ng mga minority stockholders ng PSMT na putulin ang kaugnayan sa kumpanyang Amerikano.

Inamin mismo ni Benjamin Woods, presidente ng PSMT, na binili ng PriceSmart ang $10.4-milyong (P572 milyon) utang nito sa IFC upang mabawasan ang napakalaking utang na hindi kayang bayaran ng PSMT.

Nauna rito, ipinahayag ni Robert Price, global chairman ng PriceSmart na masama ang kalagayang pinansiyal ng subsidiary nito sa Pilipinas.

Ang PSMT, na nagpapatakbo sa nalalabing apat na tindahan ng PriceSmart sa Metro Manila, ay 52% pag-aari ng PriceSmart at 38% naman ni William S. Go at ng E-Class Corp. Ang balanseng 10% ay hawak ng First Metro Investment Corp., ang investment arm ng Metropolitan Bank and Trust Co.

Napag-alaman din na ang ginamit ng PriceSmart na pambayad sa pautang ng IFC sa PSMT ay inutang din mula naman sa Price Group.

Ang orihinal na ipinautang ng IFC sa PSMT ay $12.5 milyon, at ito ay dapat mabayaran hanggang Hunyo 2012, kasama ang taunang interes na 7.44%.

Ang IFC ang private sector investment arm ng World Bank at sumososyo ito sa mga pribadong proyekto sa pamamagitan ng pautang o kapital upang pataasin ang kredibilidad ng proyekto at matulungan ito na makakuha ng financing at karagdagang puhunan.

BENJAMIN WOODS

E-CLASS CORP

ESTADOS UNIDOS

FIRST METRO INVESTMENT CORP

INTERNATIONAL FINANCE CORP

METRO MANILA

METROPOLITAN BANK AND TRUST CO

PILIPINAS

PRICE GROUP

PSMT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with