Ama mastermind sa kidnap?

Posible bang ang ama ang may kagagawan sa pagkawala ng anak?

Ito ang tanong ng kapamilya ng isang 20-anyos na San Beda College student na si Rosendo A. Hererra, Jr. na hanggang ngayon ay nawawala matapos na dukutin ito ng di-kilalang armadong kalalakihan may apat na buwan na ang nakakaraan.

Si Herrera Jr. ay anak ni Gng. Armie Alba kay Capt. Rosendo Herrera.

Ayon sa ina ng biktima, tinitingnan nila ang anggulo na ang naganap na pangingidnap sa biktima ay maaaring may kaugnayan sa "paternitry suit" na nakahain sa Korte Suprema at nakatakdang ipalabas ang resolusyon nito.

Nabatid na nauna sa legal battle, sina Capt. Rosendo at ang ina ng biktimang si Armi Alba ay nagsama bilang mag-asawa sa loob ng anim na taon.

Una na umanong pinagsabihan ni Rosendo si Alba na iatras na nito ang reklamo subalit tumanggi ang huli na siyang posibleng ikinagalit ng opisyal. (Ulat ni Ellen Fernando)

Show comments