^

Bansa

Jailbreak ng ASG: 5 todas

-
Tatlong jailguard at dalawang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang nasawi matapos ang nabigong pagtakas ng mga ito hanggang sa sumiklab ang palitan ng putok matapos mang-agaw ng baril at mang-hostage ang mga ASG sa loob ng Metro Manila Rehabilitation Center (MMRC) ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) compound sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig.

Ang mga nasawing BJMP personnel ay nakilalang sina SJO4 Edgardo Dajay, JO1 Rogelio dela Cruz at JO1 Amadeo Salapate. Ang mga sugatang jailguards naman ay sina JO1 Albert Loborio, JO1 Soroqui Bilegue at JO1 Mendoza. Hindi naman nakuha ang pangalang ng dalawang ASG na nasawi sa naganap na shoot-out sa loob ng jail.

Ayon sa ulat, dakong alas-6:00 ng umaga habang nagsasagawa ng headcount at namamahagi ng almusal ang mga BJMP personnel sa mga preso sa loob ng building A at B sa ground floor at 2nd floor ng biglang lapitan umano ng ASG detainee na si Alhamzer Manatad Limbong alyas Kumander Kosovo si SJO4 Dajay.

Tiwala naman ang jailguard sa pag-aakalang may sasabihin lamang ang preso pero bigla siyang inundayan ng saksak ng icepick nito at inagaw ang kanyang side arm.

Sumiklab ang riot sa 2nd floor ng jail hanggang sa maagaw din ng iba pang preso ang baril ng 2 pang BJMP personnel na kanilang napatay. Gumanti naman ng putok ang ilang jailguards hanggang 2 ASG ang nasawi din.

Ginawang hostage ng mga ASG members sa pamumuno umano nina Kumander Kosovo at Habil Dellosa ang iba pang preso sa loob ng naturang gusali.

Ayon kay BJMP director Arturo Alit, may 435 kabuuang preso dito at 129 sa mga ito ay mga ASG at Muslim militants kabilang dito sina Ghalib Andang alyas Kumander Robot at Nadzmie Saabdullah alyas Kumander Global at iba pang may mga kasong kidnapping kabilang ang pagdukot kay Martin at Gracia Burnham sa Dos Palmas resort, sangkot sa Rizal day bombing, Superferry bombing at iba’t ibang kaso.

Hiningi ng mga hostage-takers bilang negotiators sina actor Robin Padilla, Rep. Mujiv Hataman at ARMM Gov. Parouk Hussein. Tanging si Padilla na isang Muslim convert ang hindi nakarating para makipag-negosasyon sa mga hostage-takers.

Kabilang sa hinihingi ng mga hostage-takers ay ang speedy trial sa kanilang mga kaso, pagkilala sa kanilang mga human rights, huwag silang sasaktan sa oras na sumuko at bigyan ng pagkakataon na makapagsalita sa media.

Sinabi naman ni NCRPO director Avelino Razon Jr., dakong alas-6 kagabi nang iparating ng mga hostage-takers ang kanilang pagsuko basta ipagkaloob ang kanilang mga demands.

Siniguro naman ng mga awtoridad na walang masasaktan sa mga hostage-takers sa kanilang pagsuko at bibigyan sila ng sapat na pagkakataon upang makapagsalita sa media para iparating ang kanilang mga hinaing.

Habang isinusulat ang balitang ito ay halos 13 oras na ang nakakalipas matapos sumiklab ang jailbreak subalit hindi pa rin sumusuko ang mga hostage-takers. (Ulat nina Lordeth Bonilla,Joy Cantos at Doris Franche)

ABU SAYYAF GROUP

ALBERT LOBORIO

ALHAMZER MANATAD LIMBONG

AMADEO SALAPATE

ARTURO ALIT

ASG

AVELINO RAZON JR.

HOSTAGE

KUMANDER KOSOVO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with