Ito ay matapos na tapusin na ni Rep. Augusto Baulio, chairman ng House committee on RORO (roll-on, roll-off) ang inquiry at sinabing legal at walang anomalya sa pagkakapanalo ng Sumitomo ng Japan sa nasabing bidding.
Dahil dito, puwede nang maghanap ng counterpart funding ang LRTA para sa Japan Bank for International Cooperation (JBIC) na siyang nagpondo sa nasabing proyekto.
Siniguro ni JBIC chief Rep. Osamu Murata na wala ng magiging problema sa pondo ng naturang proyekto. Kung masusunod ang unang plano, ang LRT 1 expansion project ay gagamit ng mas makabagong makinarya at kaya nitong magsakay ng tinatayang 43,000 pasahero kada araw. (Edwin Balasa)