^

Bansa

2,441 'kriminal' naaresto ng PNP

-
May kabuuang 2, 441 katao na sangkot sa iba’t ibang uri ng krimen ang naaresto ng mga elemento ng Philippine National Police (PNP) mula sa buwan ng Enero hanggang Marso, 2005.

Base sa report ng PNP Central Operations Center (COC), mula sa nasabing bilang, 1,267 dito ang naitalang Most Wanted Persons (MWP) habang ang may 1,174 ay pawang may warrant of arrest.

Nitong Marso lamang, ang PNP ay nakapagtala ng 59 indibiduwal na nahuli sa iba’t ibang panig ng bansa kung saan 30 dito ay pawang nasa listahan ng MWP at ang 29 na iba pa ay pawang may arrest warrant.

Ang ilan sa mga pinakahuling naaresto ay ang umano’y lider ng kidnapping syndicate at ang tatlo niyang kasamahan sa isang operasyon sa San Pedro, Laguna.

Sa kaparehong period, may kabuuang 373 armas ang narekober ng pulisya kung saan ang 143 dito ay pawang mga high powered firearms at ang 230 ay mga low-powered firearms. (Ulat ni Angie dela Cruz)

vuukle comment

ANGIE

CENTRAL OPERATIONS CENTER

CRUZ

ENERO

MARSO

MOST WANTED PERSONS

NITONG MARSO

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SAN PEDRO

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with