Ang pagbuwag sa tanggapang dating pinamumunuan ni Secretary Cito Lorenzo ay nakapaloob sa Executive Order No. 408.
Ang Office for Presidential Adviser for Jobs Generation ay nilikha sa pamamagitan ng Executive Order No. 333 may petsa Hulyo 19, 2004. Ang layon nito ay makalikha ng mula sa 6 milyon hanggang 10 milyong empleyo at paunlarin ang 2 milyong ektaryang lupain na saklaw ng agri-business.
Pero nagbitiw na sa puwesto si Lorenzo noong nakaraang Enero para bumalik sa pribadong sektor.
Sa kanyang kautusan ehekutibo na bumuwag sa OPAJG, sinabi ng Pangulo na sa halip na humirang ng makakapalit ng dating pinuno ng binuwag na opisina, makabubuting ilipat na lang ang gawain nito sa PMS alinsunod na rin sa patakaran ng pagtitipid ng gobyerno. (Ulat ni Lilia Tolentino)