^

Bansa

Peacetalks ng Senado at Kamara

-
Nagdesisyon kahapon ang mga lider ng Senado at House of Representatives na pag-usapan ang nagaganap na ‘word war’ sa dalawang kapulungan ng Kongreso na nag-ugat sa panukalang P907.6 bilyong national budget ng Malacañang para sa 2005.

Pumayag ang dalawang lider ng kapulungan na magkaroon ng "peace talks" kagabi sa EDSA Shangri-la sa Mandaluyong City.

Ang nasabing pag-uusap ay inorganisa ni Nationalist People’s Coalition Rep. Arnulfo Fuentebella (Camarines Sur), na naging Speaker noong 11th Congress.

Sinabi ni Fuentebella na dapat nang matigil ang bangayan ng mga mambabatas dahil nakakasira ito sa Kongreso bilang institusyon.

"We cannot go on like this. The word war doesn’t do well for Congress and for the country. Everybody is the loser here," ani Fuentebella.

Ayon kay Fuentebella, mayroon naman siyang karapatan na magsimula ng meeting ng lider ng dalawang Kapulungan dahil dati naman siyang Speaker at senior leader ng Kamara.

Maliban pa sa isinagawang meeting ay ang nakatakdang pag-uusap nina Speaker Jose de Venecia Jr., at Senate President Franklin Drilon ngayong linggo.

Magugunitang nagsimula ang patutsadahan ng mga mambabatas sa dalawang kapulungan ng Kongreso ng biglang ipasa ng Senado ang 2005 national budget nang hindi idinadaan sa bicameral conference committee.

Inakusahan ng mga senador ang mga mambabatas na nagbabalak magdagdag sa kanilang pork barrel pero ibinalik naman ng mga kongresista ang akusasyon sa mga senador. (Ulat ni Malou Rongalerios)

ARNULFO FUENTEBELLA

CAMARINES SUR

COALITION REP

FUENTEBELLA

HOUSE OF REPRESENTATIVES

KONGRESO

MALOU RONGALERIOS

MANDALUYONG CITY

NATIONALIST PEOPLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with