^

Bansa

Delay ng LRT 1 expansion, imbestigahan - solon

-
Pinaiimbestigahan ni Iloilo Rep. Janette Garin sa Mababang Kapulungan ng Kongreso kung bakit nade-delay ang expansion program ng Line 1 Light Rail Transit Authority (LRTA) kung saan umaabot sa P6.7 milyon ang nawawalang buwis sa gobyerno.

Ang nasabing pagka-antala sa capacity expansion program ay nabunyag sa pinakahuling pagdinig ng House committee on railways and RO-RO.

Dapat din aniyang tingnan ng komite kung sino ang dapat managot sa mga opisyal ng LRTA at Department of Transportation and Communications (DOTC) sa nangyaring pagka-antala ng proyekto.

"It has become imperative that a through probe be undertaken into the culpability of the bidding committee and certain DOTC and LRTA officials in stopping the bidding process," ani Garin.

Kuwestiyonable rin aniya ang hindi pagpapalabas ng "Notice-to-Proceed" (NTP) sa nanalong bidder kahit mayroon ng nilagdaang kontrata para sa expansion project.

Naniniwala si Garin na hindi lamang ang gobyerno ang makikinabang kung masisimulan ang proyekto kundi maging ang mga mamamayang sumasakay sa LRT. (Malou Rongalerios)

DAPAT

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATIONS

GARIN

ILOILO REP

JANETTE GARIN

KONGRESO

KUWESTIYONABLE

LIGHT RAIL TRANSIT AUTHORITY

MABABANG KAPULUNGAN

MALOU RONGALERIOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with