RP No.5 shabu exporter
March 7, 2005 | 12:00am
Hinimok ng mga kongresista ang Philippine National Police (PNP) na paigtingin pa ang kampanya nito laban sa illegal na droga makaraang ilathala ng US State Department na pang-lima ang Pilipinas sa mga bansang pinagkukunan ng ipinagbabawal na shabu.
Ayon kina Nueva Ecija Rep. Aurelio Umali at Leyte Rep. Eduardo Veloso, bagamat makikita naman na nagtatagumpay ang kampanya ng pamahalaan laban sa illegal na droga, kailangan pa rin ang ibayong pakikibaka laban sa salot na ito,
Nanindigan rin ang mga kongresista na hindi makatarungan ang inilabas na listahan ng US State Department hinggil sa posisyon ng Pilipinas bilang "major shabu exporter".
"Illegal drugs remain a major problem in the country, but to say that the Philippines is a major shabu exporter means our government has failed in the anti-drugs campaign, which is not true," pahayag pa ni Umali.
Batay sa ipinalabas na accomplishment report ng PNP noong isang taon, nalansag na ng awtoridad ang limang pandaigdigang sindikato ng droga sa bansa, bukod pa sa pagwasak sa 83 lokal na sindikato at ang pagkakatuklas sa mga pagawaan ng shabu sa buong bansa.
Naniniwala si Umali na ang mga tagumpay na ito ang magpapatunay na hindi natutulog ang pamahalaan upang wakasan na ang salot sa lipunan.
Sinabi naman ni Veloso na muli na namang pinatunayan ng US State Department ang pagiging maka-kaling nito matapos na ilarawan ang PNP bilang lumalabag sa karapatang pantao.
"Ngayon naman, gusto nilang ipamukha na bigo ang ating awtoridad na supilin ang paglaganap ng ipinagbabawal na gamot sa bansa, ano ang susunod, tamad ang mga pulis?" ani Veloso.
Idinagdag pa nito na naging makulay para sa PNP ang taong 2004 dahil umabot sa 18 laboratoryo at bodega ng shabu ang natuklasan sa Mandaue, Cebu City, Bataan, Antipolo at Parañaque City kung saan umaabot sa bilyon-bilyong halaga ng shabu ang nakumpiska.
Naniniwala rin si Veloso na ang mga matagumpay na kampanya ng PNP laban sa illegal drugs ang dahilan kung bakit nagtataas ang presyo ng shabu sa merkado mula sa dating P800 bawat gramo sa P3,000-P5,000 bawat gramo.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended