^

Bansa

Mataas na toll fee ipepetisyon ni Echiverri

-
Nanawagan kahapon si Caloocan City Mayor Enrico "Recom" Echiverri sa mas makatwirang bayad sa toll sa North Luzon Expressway kasabay ng paghahain niya sa susunod na linggo ng petisyon sa Toll Regulatory Board para sa rekonsiderasyon sa nasabing bayad.

Ipinaliwanag ni Echiverri na hindi siya tutol sa pagtaas ng bayad dahil naniniwala siyang kailangan ito sa pagpapagawa at pagpapaunlad ng expressway subalit kailangang resonable ang singil upang hindi masakit sa bulsa ng motorista.

Halos 600 porsyento ang itinaas sa singil sa North Luzon Expressway makaraang mag-take-over ang bagong operator nito na Manila North Tollway Corp.

Ayon sa alkalde, ang P42 na flat rate sa unang 14 kilometro, mula Balintawak hanggang Bocaue exit, ng expressway ay hindi makatarungan sa mga motoristang hindi naman gumagamit ng buong 14-kilometro o iyong mga lumalabas sa Valenzuela o Meycauayan.

Ang dating singil mula Balintawak hanggang Valenzuela ay P3 lamang. Iminungkahi ni Echiverri na hatiin sa tatlo ang singil batay sa lalabasan ng motorista.

AYON

BALINTAWAK

BOCAUE

CALOOCAN CITY MAYOR ENRICO

ECHIVERRI

IMINUNGKAHI

MANILA NORTH TOLLWAY CORP

NORTH LUZON EXPRESSWAY

TOLL REGULATORY BOARD

VALENZUELA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with