^

Bansa

Pagkapanganak dapat bigyan na ng ID — Biazon

- Ni Rudy Andal -
Hiniling ni Sen. Rodolfo Biazon sa Senado na magpairal ng National Identification System kung saan ang bawat ipapanganak na sanggol ay dapat mayroong karampatang ID number.

Sa panukala ni Sen. Biazon na ID system, nakapaloob dito na dapat mayroong ID number na ang bawat sanggol na ipapanganak sa sandaling kumuha ito ng birth certificate.

Ayon kay Biazon, ang pagkakaroon ng Nat’l ID System ang pinaka-mabisang pamamaraan upang madaling makilala at matutukoy kung sinuman ang nais gumawa ng krimen o terorismo.

Sinabi naman ni Sen. Ramon Magsaysay Jr., hindi na kailangan ang batas para dito kundi isang Executive Order lamang ni Pangulong Arroyo na nag-uutos na ilagay sa data base ang lahat ng impormasyon mula sa iba’t ibang ID na ipinamamahagi sa bansa.

Ayon kay Sen. Magsaysay, bukod sa idineklara ng Supreme Court na unconstutional ang Nat’l ID System ay magastos pa ito gayung puwede namang gamitin ang umiiral na ID system ng SSS, GSIS, driver’s licence, school ID at ang ID na ipinamamahagi ng local government units.

Inirekomenda rin ni Sen. Ralph Recto ang paggamit ng Nat’l Health Insurance Card bilang pamalit sa nasabing sistema.

Aniya, hindi na umano dapat mag-aksaya ng pondo ang gobyerno sa pagtutulak ng Nat’l ID system dahil ang card ng Philippine Health Insurance Corp. (Philhealth) ay nakalaan sa lahat ng Pinoy.

Sa ilalim ng Republic Act 7875 na siyang lumikha sa Philhealth, lahat ng Filipino ay inoobliga na magpatala sa Nat’l Insurance System upang makakuha ng health benefits sa gobyerno.

vuukle comment

AYON

BIAZON

EXECUTIVE ORDER

HEALTH INSURANCE CARD

INSURANCE SYSTEM

NATIONAL IDENTIFICATION SYSTEM

PANGULONG ARROYO

PHILHEALTH

PHILIPPINE HEALTH INSURANCE CORP

RALPH RECTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with